Kidnapping vs Kabataan Rep. Sarah Elago at iba pa, binasura ng DOJ

Binasura ng Department of Justice (DOJ) prosecutors ang reklamong kidnapping laban kina dating Rep. Neri Colmenares, Kabataan Rep. Sarah Elago, at iba pang respondents kaugnay ng reklamong inihain ng ina ng sinasabing nawawalang aktibistang estudyante na si Alicia Lucena.

Partikular ang reklamong inihain ni Ginang Relissa Lucena at ng PNP-CIDG.

Ayon sa DOJ prosecutors, bigo ang complainants na makapagprisinta ng may ebidensya na magpapatunay sa kanilang alegasyon na nagre-recruit ang ANAKBAYAN ng mga menor de edad para sumapi sa CPP-NPA-NDF.


Iginiit din ng piskalya na wala silang nakitang paglabag sa RA 9851 o PHilippine Acts on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, at iba pang Crimes Against Humanity dahil hindi anila napatunayan ng complainants na ang ANAKBAYAN ay armed force o recruiting arm ng CPP-NPA-NDF.

Una na ring naglabas ng affidavit at nagsalita sa press conference si Alicia at itinanggi nito na siya ay sapilitang kinuha ng ANAKBAYAN at sa halip ay kusa raw siyang umalis sa kanilang tahanan.

Facebook Comments