Kier Legaspi, sumagot na sa pasaring ng anak na si Dani Barretto

Naglabas na ng pahayag ang Filipino actor na si Kier Legaspi kaugnay sa pasaring sa kaniya ng anak na si Dani Barreto.

Kasunod ito ng panayam sa anak ni Marjorie Barreto kung saan ikinuwento ni Dani ang dahilan kung bakit hindi na sila nag-uusap ng kaniyang ama.

Sa isang Instagram post ng aktor, sinabi ni Kier na tinitiis niya ang mga atake at kasinungalingan na ibinabato sa kanya.


Dagdag pa nito, handa naman siyang magpaunlak ng panayam upang marinig ang kanyang panig.

Matatandaang sa naging panayam ni Dani kay Dr. Vicki Belo, inamin nitong nanirahan siya sa bahay ng kanyang ama noong bente nuebe anyos pa lamang siya.

Naging masaya umano ang kanyang pagtira hanggang sa naudlot ito matapos ang tatlong buwan.

Pagbabahagi pa nito, nagkaroon ng lamat ang kanilang relasyon bilang mag-ama dahil sa isang malaking away.

Gayunpaman, sinubukan umano nilang magkaayos noong nakaraang taon.

Sa ngayon, wala pang tugon si Dani sa sagot ng kaniyang ama.

Facebook Comments