Isinilang na ang unang apo sa tuhod ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Gamit ang kaniyang Facebook account, ibinahagi ni incoming Davao City 1st District Representative Paolo “Pulong” Duterte ang balita ukol sa panibagong miyembro ng pamilya Duterte.
Makikita sa larawan na buhat ng mga nurse ang bagong silang na si Rodrigo III.
Ayon kay Pulong, ginawa na siyang lolo ng kaniyang anak na si Rodrigo “Rigo” Duterte II.
Kasabay nito, nagpasalamat din si Pulong sa mga doktor at nurse na nag-aalaga sa kaniyang apo.
Facebook Comments