KILALANIN | Isang young actor, nagtangkang magpakamatay?

Manila, Philippines – How true ang chikang ang aktor daw na si Diego Loyzaga ang tinutukoy sa blind item ng isang TV reporter na young actor na diumano ay nagtangkang magpakamatay.

Batay sa mga naglalabasang report ngayon mula sa isang Television Network, nangyari raw ang insidente Martes ng gabi, November 6.

May nakarinig daw kay Diego na may kausap sa telepono kung saan sinabi raw ng aktor sa kausap na okay pa siya at kaya pa niya.


Kasunod nito, nagtangka na raw ang aktor na gilitan ang sariling leeg, gamit ang isang swiss knife.

Agad naman umanong isinugod sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City an aktor.

Sa kasalukuyan, nasa stable na kundisyon na raw si Diego.

Kaugnay nito, sinabi naman ng star magic, ang talent management arm na nangangalaga sa career ni Diego ok naman daw si Diego at ang pamilya nito kung saan humihingi sila ng privacy.

Ang 23-anyos na aktor ay anak ng aktres na si Teresa Loyzaga at ng actor-politician na si Cesar Montano.

Facebook Comments