KILIG OVERLOAD | Michael Pacquiao at Malaysian singer Yazmin Aziz, in a relationship

Manila, Philippines – Mistulang hindi lang si fighting Senator Manny Pacquiao ang nanalo sa nakaraan nitong laban kay Lucas Matthysse sa Malaysia.

Dahil panalo rin ang pangalawa niyang anak na si Michael sa puso ng Malaysian-Filipina singer na si Yazmin Aziz.

Kinumpirma mismo ni Michael sa kanyang instagram account ang relasyon nila ni Yazmin kung saan makikita ang larawan ng singer.


Hindi naman na nagkwento si Michael sa kung paano sila nagkakilala ni Yazmin na isa sa nag-welcome sa pamilya Pacquiao sa Malaysia para sa laban noon ni Pacman.

Sinasabing halos hindi na raw mapaghiwalay ang dalawa sa Malaysia kaya nang bumalik sa Pilipinas isang video post ang idinedicate ni Yazmin kay Michael kung saan sa dulo, sinabi niyang nami-miss na niya ang binata na tinawag niyang “love” at hindi na raw siya makapaghintay na magkita sila ulit.

Base sa kanyang instagram bio si Yazmin ay isang aspiring singer na minsan na ring nag-perform noong bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kuala Lumpur noong 2016.

Facebook Comments