KILOS PROTESTA | Black Friday protest kontra TRAIN Law, isasagawa ng grupong BAYAN

Manila, Philippines – Magsasagawa ngayon ng Black Friday protest ang grupong BAYAN at kaalyado nito sa ibat-ibang lugar sa ka-Maynilaan upang ipabatid sa taong bayan ang dulot na matinding pasakit ng TRAIN Law.

Ayon kay Bayan Secretary General Renato, ang isasagawa nilang Black Friday protest ay sa mga matataong lugar tulad sa Trabaho Market sa Sampaloc at Avenida sa Manila, sa Cubao, Arayat sa Commonwealth Market at iba pang mga lugar dahil sa matinding dulot ng TRAIN Law kaya at nagtaasang mga pangunahin bilihin sa merkado.

Paliwanag ni Reyes na sasabayan din nila ng pagpapapirma sa taong bayan kontra sa TRAIN Law, dagdag buwis, kawalan ng trabaho at mababang sahod na siyang ugat ng nagtataasang mga pangunahing bilihin, pamasahe at iba pa.


Binatikos din ng grupong BAYAN ang naging pahayag ni DBM Secretary Ben Diokno na sinabing iyaking bata o crying baby ang mga nagrereklamo kontra sa mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.

Facebook Comments