
Nagsagawa ng kilos-protesta ang iba’t-ibang grupo sa bahagi ng EDSA Kamuning sa Quezon City.
Ito’y para kondenahin ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bilhin, produktong petrolyo at lalo na ang kuryente partikular sa Meralco.
Giit ng grupong Anakpawis, hindi makatwiran ang mga biglaang pagtaas ng mga pangunahing bilihin kung saan hindi rin naman tumataas ang sahod ng mga manggagawa.
Batid nila ang kaguluhan sa Gitnang Silangan pero giit ng grupo na huwag nang makisali ang Meralco sa walang-awat na pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo at iba pang bilihin.
Paliwanag ng Anakpawis, hindi ikalulugi ng naturang kompanya kung hindi nito itutuloy ang nakaambang pagtaas ng singil.
Panawagan pa ng grupo, na ipawalang-bisa na ng pahalaan ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) of 2001, lalo na’t hindi naman ito nakakatulong para pababain ang presyo ng kuryente at tanging mga malalaking kompaniya ang nakikinabang dito.










