Kilos protesta, isasagawa sa EDSA Shrine sa Nobyembre 5

Manila, Philippines – Magsasagawa ng kilos protesta sa EDSA Shrine ang grupong Tindig Pilipinas sa Linggo, Nobyembre 5.

Ayon kay Magdalo Partylist Representative Gary Alejano, ito ay alinsunod sa bagong kampanya ng simbahang katolika na “Start the Healing” at pagdedeklara ng “Lord Heal Our Land Sunday”.

Kasabay nito, isasagawa rin ang misa ng simbahang katolika sa EDSA Shrine.


Una nang inilunsad ng simbahang katolika ang tatlumpung (30) araw na pagdarasal para sa kapayapaan, kaluluwa ng mga biktima ng Hinihinalang Extra Judicial Killings o EJK’s at paggaling ng bansa.

Facebook Comments