Kilos-protesta ng PISTON, kasado na bukas

Sa halip na tigil-pasada, kilos-protesta muna ang ikakasa ng grupo ng mga tsuper bukas, Marso 15.

Kasabay ito ng ika-11 sunod na linggong taas-presyo sa langis bukas kung saan aabot sa ₱12 ang itataas sa kada litro ng diesel; ₱7 sa gasolina at ₱10 sa kerosene.

Ayon kay Ka Mody Floranda, Presidente ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), halos nasa ₱350 na ang nawawalang kita sa mga tsuper kada araw dahil sa sunod-sunod na oil price hike.


Samantala, magma-martsa ang grupo mula sa Blumentritt sa Sampaloc patungo sa Mendiola, Maynila.

Facebook Comments