Kilos protesta para sa anibersaryo ng CPP-NPA-NDF, hindi inaasahan ng PNP

Manila, Philippines – Walang namo-monitor na gagawing kilos protesta ang Philippine National Police (PNP) para sa pagdiriwang ngayong araw ng anibersaryo ng Communist Party of the Philippines, New Peoples Army, National Democratic Front o CPP-NPA-NDF.

Pero ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, na kahit walang silang namo-monitor na mga planong kilos protesta ay nakahanda pa rin ang hanay ng PNP.

Sa katunayan aniya may mahigit pitong libong pulis na naka-deploy ngayon holiday season sa Metro Manila, hindi pa kasama rito ang mga force multipliers upang tiyaking magiging payapa ang buong holiday season.


Hanggang sa ngayon aniya wala rin silang namo-monitor na anumang terror threat pero hindi nila inaalis ang posilibidad mayroong ganitong pagbabanta kaya nakaalerto sila.

Dalawang linggo na aniya ng nakalilipas ng paalalahanan niya ang kaniyang mga PNP Regional Directors na pag-aralan ang mga camp defense plan at magsagawa ng simulation exercise upang hindi na malusutan ng mga pag-atake ng NPA.

Facebook Comments