KILOS PROTESTA | PISTON, muling nangalampag sa tanggapan ng LTFRB

Manila, Philippines – Sumugod sa punong tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa East Avenue, Quezon City.

Unang nagtitipon ang grupo kaninang 8:30 sa harap ng isang gasolinahan sa kanto ng East Avenue at NIA Road bago nagmartsa patungong LTFRB.

Layunin ng kilos protesta na kondenahin ang pinatupad na bagong oil price hike .


Kinokondena din ng grupo ang LTFRB memo circulars na pagpapatupad ng sapilitang franchise consolidation na lulusaw sa mga individual franchises sa susunod na taon.

Ito anila ay mauuwi sa pagtatakda ng phase out sa lahat ng kasalukuyang jeep pagsapit ng June 30, 2020 upang mabenta ang mga mamahaling sasakyang nilalako ng LTFRB.

Facebook Comments