PASILIP | Direk Erik Matti, nagbigay ng clue sa magiging Darna costume ni Liza Soberano

66

Manila, Philippines- Puring-puri ni Direk Erik Matti ang dedikasyon ni Liza Soberano para sa ginagawa nitong big movie na “Darna”.

Sa kabila ito ng komento ng ilang netizens na hindi raw bagay kay Liza na maging darna dahil sa dugong banyaga nito.

Pero sabi ni Direk Matti, sobra ang passion ni Liza sa ginagawa niya at oras na mapanuod ang pelikula, masasabi na lang ng mga tao na perfect nga siya sa role.

Nang tanungin naman tungkol sa costume two years ago pa raw ay nakapili na sila at approve na rin ito ng Ravelo.

At kahit kilala sa kanyang wholesome image si Liza, tiniyak ni Direk Matti hindi magmumukhang conservative, sa halip ay mala-warriors ang magiging costume ng aktres.

Sa ngayon, wala pa silang napipiling kontrabida at gaganap na leading man ni Liza sa pelikula.

Facebook Comments