Pagpapakamatay ng Isang Magsasaka sa San Mateo Isabela, Problema sa Asawa at Pamilya ang Motibo!

San Mateo, Isabela – Natagpuan sa sariling kwarto na nagbigti ang isang magsasaka sa San Mateo, Isabela kamakailan dahil umano sa personal na problema.

Ang biktima ay kinilala na si Reggie Baldovino, tatlumpuโ€™t anim na taong gulang, may asawa at residente ng Purok 4, San Mateo, Isabela.

Sa imbestigasyong isinagawa ni PO3 James Saura, Investigator ng San Mateo Police Station na natagpuan ng tita ng biktima na si Teresita Villajuan si Reggie na nakabitin ang katawan gamit ang lubid sa silid ng biktima.


Napag-alaman ng kapulisan na problema umano sa asawa ang naging sanhi ng pagbigti nito.

Bago naganap ang pagpapakamatay ni Reggie ay nagkaroon umano ng hindi pagkakaintindihan ang mag-asawa sa umanoy pagkakaroon ng kalaguyo.

Naging dagdag pa umano na dahilan ang matinding problema sa pamilya ng nasabing biktima.

Facebook Comments