NAGPARETOKE | Miho Nishida, kinumpirmang sumailalim siya sa cosmetic surgery

Manila, Philippines – Kinumpirma na mismo ng PBB winner at modelong si Miho Nishida na sumailalim siya sa cosmetic surgery.

Ito ay matapos pag-usapan on line ang pagbabago ng kanyang itsura na unang napansin nang rumampa siya sa bench under the stars fashion show.

Say ni Miho, gusto lang niyang i-improve ang kanyang sarili.


Bilang artista, gusto daw niya na lagi siyang maganda at handa kahit saan siya magpunta.

Inamin ni Miho na mas tumaas ang kanyang confidence level matapos na magparetoke.

Samantala, inamin na rin ni Miho na nagkakamabutihan sila ngayon ng Filipino hip-hop artist na si Young JV.

Sabi ni Young JV, naghihintay na lang din siya kay Miho dahil sa ngayon, busy ang model-actress sa kanyang pamilya at career.

Facebook Comments