KINALAMPAG | Suspensyon sa ilang probisyon ng TRAIN law, muling ipinanawagan ng isang taga-oposisyon

Manila, Philippines – Kinalampag muli ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano na isuspinde ng gobyerno ang ilang probisyong nakapaloob sa TRAIN Law.

Partikular na ipinasususpinde ang excise tax sa mga produktong petrolyo at mga pangunahing bilihin.

Ito ay para makahinga ng kaunti ang publiko sa sunud-sunod na mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo dulot ng TRAIN.


Hinikayat din muli ni Alejano ang Kongreso na i-review ang mga probisyon ng TRAIN Law at palitan ito ng katanggap-tanggap na tax reform program.

Giit ng kongresista, ang layunin dapat ng TRAIN ay mapaginhawa at mapabuti ang buhay ng mga Pilipino at hindi ang ilugmok ang mga ito sa kahirapan.

Facebook Comments