KINALAMPAG | Yolanda aid para sa mga DepED employees, hiniling na ibigay na

Manila, Philippines – Kinalampag ni ACT Teachers Representative France Castro ang gobyernong Duterte na bilisan ang pagpoproseso at pamamahagi ng Yolanda aid para sa mga Department of Education (DepEd) employees na naging biktima noon ng super typhoon Yolanda.

Aniya, 2013 pa o limang taon na ang nakalipas ngunit wala pa ring natatanggap na tulong ang maraming teaching at non-teaching personnel na biktima ng Yolanda.

Ayon kay Castro, naging mahirap para sa mga biktima ng Yolanda ang requirements na hinihingi para sa ibibigay na ayuda bukod pa sa naging napakabagal ng Presidential Management Staff (PMS) noong panahon ng nakaraang Aquino Administration.


Bigo din hanggang ngayon ang Duterte Administration na aksyunan ang problema.

Batay sa tala ng PMS, sa 49,352 beneficiaries nasa 11,881 lamang ang nakatanggap ng buong Yolanda aid habang nasa 37, 471 o 76% ng mga biktima ang naghihintay pa sa 2nd tranche ng tulong pinansyal.

Maliban dito, na-downgrade din ang evaluation ng damages ng mga nasirang bahay mula sa ‘totally damaged’ na makakatanggap sana ng P100,000 ay naging ‘partially damaged’ na nasa P30,000 na lamang na financial aid kaya hirap ang marami sa biktima ng bagyong Yolanda.

Facebook Comments