Manila, Philippines – Naghain ng 1.12 billion pesos na tax evasion case ang Bureau of Internal Revenue laban sa Golden Donuts Inc. ang local franchiser ng Dunkin Donuts sa Pilipinas na pagmamayari ng Prieto Family.
Dawit sa naturang kaso ang mga opisyal nito na sina Miguel Prieto (Treasurer), Walter Spakowksi (President), Pedro Paraiso (Chief Financial Officer) at Jocelyn Santos (Vice President for Finance and Administration.
Ang nasabing tax evasion case na 1, 118, 331, 640 pesos ay sakop lamang sa hindi nabayarang buwis noong taong 2007.
Lumalabas rin sa isinagawang imbestigasyon ng BIR na nag under declared ang GDI ng kabuuang kita nito noong 2007, kaya’t isa ito sa mga naging grounds ng pagsasampa ng kaso ng BIR.
Matatandaang noong Abril 2017, muling inungkat at pinasaringan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mayari ng Dunkin Donuts dahil sa bilyong pisong halaga ng buwis na bigo nitong mabayaran.