KINATIGAN | Proclamation no. 572 na inilabas ng Malacañang kinampihan ni Sen. Gordon

Kinatigan ni Senador Richard Gordon ang inilabas na Proclamation Number 572 na nagpapawalang bisa sa amnesty ni Senador Antonio Trillanes IV.

Sa interview sa Israel kay Gordon ay sinabi nito na dapat may closure sa lahat at dapat ay matutunan ng lahat na kung may ginawa ang isang kasalanan ay dapat managot.

Mahirap kasi aniya kung walang closure at kung kasama sa pulitika ay nabibigyan ng pardon o amnesty pero hindi aniya dito natatapos ang lahat dahil maghahanap at maghahanap ng katarungan ang mamamayan.


Tama naman aniya ang ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte at Justice Secretary Menardo Guevarra na kailangang sundin ni Trillanes ang mga pre-conditions para mabigyan ng presidential amnesty at patunayan na mayroon nga itong application para mabigyan ng amnesty.

Sinabi din naman ni Gordon na tama ang ginawa ni Senate President Tito Sotto na pagkustodiya kay Trillanes sa Senado.

Paliwanag ni Gordon, hindi sila papayag na aarestohin ng mga otoridad si Trillanes habang ito ay nasa loob ng Senado.

Facebook Comments