Manila, Philippines – Nagpaabot ng malaking pasasalamat si King Salman Bin Abdulaziz Al Saud, ang hari ng Saudi Arabia, kay Pangulong Rodrigo Duterte sa malaking kontribusyon ng mga Pilipino sa Saudi sa development ng Saudi.
Sa pagkikita ni Pangulong Duterte at King Salman ay nagpasalamat din ang Pangulo sa hari ng Saudi sa pagtanggap sa mga Filipino workers sa kanilang bansa.
Sa pulong ng dalawa ay sinabi ni King Salman na malaki ang tulong ng mga Pilipino sa pag-unlad ng ekonomiya ng Saudi at nagpapasalamat din ito sa patuloy na pagpapadala ng mga propesyunal at skilled workers sa Saudi.
Samantala, tumutok naman sa paglaban sa terorismo ang pulong ni Pangulong duterte At Saudi Defense Chief at Saudi Crown Prince Mohammad Bin Salman.
Ayon kay national Security Adviser Secretary Germogenes Esperon, kabilang sa pinag-usapan ang intelligence sharing partikular sa kung paano mapoprotektahan ang coast line ng Pilipinas.
Kabilang din sa napag-usapan ay ang pagpigil sa banta ng terorismo na dala ng ISIS.