PNP sa bicol region kasama ang Philippine Coast Guard at PDEA, nakatutok ngayong Semana Santa sa maaaring pagsingit ng mga courier ng droga

32

Legazpi, Philippines – Todo tutok ngayon ang Philippine National Police katuwang ang Armed Forces of the Philippines partikular na ang Philippine Coastguard at Philippine Drugs Enforcement Agency sa lahat ng mga entrance at exit ng mga daungan.

Ito ay matapos na makadiskubre ng sampung kilo ng shabu na inabandona sa isang Toyota revo na pag-mamay-ari ng isang taga-Malabon sa Metro Manila na kinilalang si Rommel Luna Mercado.

Sa naging direktiba ni Chief Supt. Melvin Buenafe, dapat aniyang bantayan ang lahat ng mga kargamento, maging ang mga private vehicle para hindi makalusot ang mga drogang puwedeng mapuslit ng mga drug courier sa pantalan ng rehiyon ng Bicol maging ng mga kalapit pang rehiyon.

Facebook Comments