KINILALA NA | Mga naarestong limang Pinoy at tatlong Chinese national sa isang shabu lab sa Batangas, pinangalanan na

Batangas – Nakilala na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Philippine National Police (PNP) ang mga nadakip na suspek sa nadiskubreng shabu laboratory sa bayan ng Ibaan, Batangas.

Kinilala ang naarestong mga Pilipino na sina Eduardo Lorenzo, Rosaleo Cesar, Amancia Gallarde, at Sanny Baguio habang ang dalawang Chinese chemist ay sina Guo Zixin at Tian Baoquan.

Sa hiwalay naman na operasyon na isinagawa ng mga tauhan ng PDEA, naaresto din ang isa pang Chinese chemist na si Hong Dy at ang driver na si Nestor Baguio.


Sinasabing tatlong linggo nang nag-o-operate ang laboratoryo at kaya nitong gumawa ng 25 kilo ng shabu sa isang araw bukod pa sa ecstasy na puwede ring gawin doon.

Patuloy pa din ang isinasagawang inventory ng mga tauhan ng PDEA at ng PNP sa nasabing shabu laboratory.

Facebook Comments