Kita muna bago budget revenue measures, uunahing aprubahan bago ang pambansang pondo

Uunahin muna ng mababang kapulungan na aprubahan ang mga tax revenue measures bago ang pagpapasa sa 2020 national budget.

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, hindi maaaring maunang maipasa ang pambansang pondo nang hindi muna naaaprubahan ang mga revenue measures.

Dito kasi kukunin ang pondo para sa mga mahahalagang proyekto at programa ng pamahalaan para sa susunod na taon.


Ilan sa mga revenue generating measures na mga panukala ay ang pagpapataw ng mas mataas na excise tax rates sa alcohol, at paglikha ng tax reform for attracting better and high-quality opportunities o trabaho bill.

Nauna namang sinabi ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda na target aprubahan ang 2020 national budget at mga tax reform bills sa October 5 o bago magsession break ang mababang kapulungan.

Facebook Comments