Kitkat, ipinagtanggol si Arci Muñoz sa mga bashers nito hinggil sa isyu ng pagpaparetoke

Showbiz – Tila nakakuha ng kakampi ang aktres na si Arci Muñoz sa mga pambabatikos na nakukuha nito sa umano’y pagpaparetoke ng aktres.

Ipinagtanggol mismo ng sexy comedienne na si Kitkat si Arci sa instagram post nito kung saan sinabi nito na “walang karapatan ang kahit sino na idown siya, or pagsalitaan siya ng hindi maganda, lalo na pag mas maganda pa din sya kesa sa bashers!”

Maging si Kitkat ay aminadong nag-undergo siya ng surgery at hindi daw niya ito itinatago.


Nanindigan din ang sexy comedienne na hindi dahilan ang pagpaparetoke ng isang tao upang magkaroon ang bashers ng lisensiya na siraan o laitin ito.

Facebook Comments