Meralco Bolts, nag-iisip na ng kanilang game plan dahil sa lalaro ang dalawang playmaker nito sa Gilas cadets sa SEA Games

PBA – Nag-iisip na ng paraan ngayon si Meralco Bolts Coach Norman Black dahil sa kakulangan ng kanilang players sa magiging laban nila bukas kontra Phoenix Fuel Masters sa nagpapatuloy na PBA Governor’s Cup.

Nabatid kasi na dalawang playmaker nito na sina Baser Amer at Mike Tolomia ang hindi makakalaro dahil bukas na din ang alis ng dalawa papunta ng Malaysia.

Ang dalawa ay kasama sa Gilas Cadets na sasabak sa Basketball Tournament sa 29th SEA Games.


Dumoble pa ang problema ni Coach Norman dahil nagkaroon din ng injury ang isa pa nitong player na si Cliff Hodge.

Facebook Comments