Klase Kanselado dahil sa Traffic sa Baguio

Baguio, Philippines – Traffic sa Baguio City, tila blockbuster sa haba.

Kapag may long weekend isa sa pangunahing destinasyon ng mga turista ang Baguio City. At dahil sa pagdagsa ng mga turista sa Baguio City, kinansela ni Mayor Mauricio Domogan ang klase ng Pre-school hanggang High School mula ngayong araw ng Martes November 14 hanggang Miyerkules November 15.

Ito ay kaugnay pa rin ng tatlong araw na special non-working holiday sa Metro Manila, Bulacan at Pampanga dahil sa ginaganap na ASEAN Summit. Libu-libong mga turista ang dumagsa sa Baguio City upang mamasyal at mag bakasyon kasama ang mga kaibigan at pamilya.


Dahil sa dami ng mga turista, mabigat na trapiko ang nararanasan ng mga taga Baguio na naging sanhi upang mag reklamo ang ilang mga taga-Baguio lalo na ang mga estudyante na nahirapang pumasok sa eskwelahan at umuwi sa kanilang mga bahay kaya inanunsiyo ni Mayor Domogan ang pagkansela ng klase.

Ikaw bes, sasakay ka pa ba? Ilakad mo na lang kaya.




Facebook Comments