Nagdeklara ng suspension ng klase ang ilang probinsya sa Eastern at Northern Luzon dahil sa pananalasa ng Bagyong Florita.
Sa report na nakarating sa Department of Education (DepEd), walang pasok ang mga lalawigan ng Camarines Sur, Camarines Norte, Quezon Province at Aurora.
Nasa Tropical Cyclone Signal Number 1 ang mga nasabing probinsya.
Wala ring pasok ang mga lalawigan ng Isabela, Cagayan, Ilocos Region Benguet, Apayao, Abra, Apayao, Ifugao, Kalinga at La Union dahil pa rin sa bagyo.
Sabi ni Atty. Michael Poa tagapagsalita ng DepEd, nasa discretion na ng lokal na pamahalaan kung sususpidihin nila ang klase sa kanilang mga lugar lalo na kung nakararanas ng sama ng panahon.
Kahapon, nagsuspinde na rin ng klase ang mga lugar sa Cagayan at Ilocos Norte dahil sa bagyong Florita.