2-day face-to-face job fair ng JobQuest.ph kasama ang Radyo Trabaho team, dinagsa ngayong araw

Tuloy-tuloy ang pagdating ng mga naghahanap ng trabaho sa isinagawang 2-day face-to-face job fair sa Ayala Malls Cloverleaf, Quezon City ng JobQuest.ph katuwang ng DZXL 558 Radyo Trabaho ng Radio Mindanao Network (RMN).

Nagsimula ang pagtanggap ng aplikante kaninang alas-10:00 ng umaga at tatagal hanggang alas-6:00 ng gabi.

Aabot sa 32 kompanya ang nakilahok sa job fair na may-alok na nasa 2,100 na trabaho.


Ayon kay Jun Eguillon, Marketing Officer ng JobQuest.ph nasa 1,200 na agad ang aplikanteng nag-rehistro online at inaasahan pa nilang do-doble pa ang nasabing bilang dahil sa pag dating ng mga walk-in.

Kasabay nito nagpaabot ng mainit na papasalamat ang JobQuest.ph sa ating himpilan na DZXL 558 Radyo Trabaho.

Pinapayuhan ang mga job seeker na makinig sa DZXL 558 Radyo Trabaho at bisitahin ang aming Facebook page para malaman ang napakaraming trabahong bakante na maari ninyong pasukan.

Pinapayuhan din ang mga aplikante na magpupunta dito sa job fair sa Clover Leaf, Quezon City na magdala ng maraming resume at sumunod sa safety health protocol.

Facebook Comments