Klase sa Maynila, suspendido para sa Pista ng Nazareno

Suspendido ang klase sa lahat ng antas at pasok sa Manila City Hall para sa Pista ng Itim na Nazareno sa January 9.
Pinirmahan ni Mayor Joseph Estrada ang Executive Order No. 1 na nagsususpinde sa pampubliko at pribadong klase kasama na ang mga unibersidad at kolehiyo sa lungsod.
Ayon kay Estrada, sinuspinde ang klase para mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga deboto na sasali sa prosesyon ng Nazareno.

Facebook Comments