KLINARO | PNP, nilinaw na wala pang specific guidance mula kay PRRD hinggil sa planong pagbuo ng sparrow unit

Manila, Philippines – Wala pang specific guidance si Pangulong Rodrigo Dutere sa Philippine National Police (PNP) para sa plano nitong pagbuo ng sariling sparrow unit.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, ginawa lamang ng PNP ngayon ay ang pag-deploy ng mga elite forces sa mga lugar na malaki ang problema sa internal security.

Tiniyak naman ni Albayalde na dadaan sa butas ng karayom at tanging mga kwalipikado lang na humawak ng baril ang aarmasan sa planong pagbuo ng sparrow unit.


Aniya, dadaan ang mga ito sa proseso at dapat may hawak o makakuha ng mga kaukulang permit sa paghawak ng baril.

Sabi pa ni Albayalde, lisensyadong baril lang ang gagamitin ng mga magiging miyembro ng Duterte death squad.

Naniniwala naman si Albayalde na hindi kukunin na DDS member ang mga retiradong pulis at sundalo na may malawak na kaalaman laban sa mga NPA.

Facebook Comments