PASADO | Panukalang pagbuo ng PSTC, lusot sa Bicam

Manila, Philippines – Aprubado na sa Bicameral conference committee ang panukalang pagbuo ng isang Philippine Sports Training Center o PSTC.

Sa napagkasunduang bersyon ng Senado at Kamara, magkakaroon ng training facilities para sa Olympic sports at sports activities ng Philippines Sports Commission (PSC).

Nakatakda namang talakayin ang nasa P3.5 bilyong pondo nito para maisama sa appropriations act.


Facebook Comments