Manila, Philippines – Pansamantalang ipinasara ang klinika kung saan namatay ang isang businesswoman habang nagpaparetoke sa Mandaluyong City.
Ayon kay Atty. Jeffrey Omadto, city legal counsel, rehistrado at regular na nakakapagbayad ng buwis ang The Icon Plastic Surgery and Dematology Clinic.
Pero kulang aniya ang kanilang requirements para makapag-opera.
Kinumpirma naman ni Chief Supt. Romeo Sapitula, Director ng Eastern Police District, na kwestyunable rin ang ibang papeles ng klinika.
Sinabi pa ni Sapitula, hinihintay pa nila ang resulta ng awtopsiya na isinagawa ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa katawan ng biktima.
Bahagi ito aniya ng pagsisiyat kung anong mga eklamo ang dapat isampa at sinu-sino ang dapat ihabla.
Nabatid na ang biktima ay isang single parent at may negosyo na my laundry at eyebrow tattoo sa Malaysia.
Regular ring pasyente ng The Icon Clinic ang biktima at ito na ang ikatlong pagkakataon na nagtungo ito sa naturang klinika.
Facebook Comments