KOMUNIDAD AT BORDER CHECKPOINTS, MALAKI UMANO ANG AMBAG SA PAGSAWATA UKOL SA KAMPANYA KONTRA ILIGAL NA DROGA

Patuloy ang ginagawang pagsasawata ng Police Regional Office 1 sa mga indibidwal na may kaugnayan sa iligal na droga.
Kaugnay naman nito ay umabot naman sa dalawampung (20) indibidwal mula sa iba’t ibang panig ng Rehiyon Uno ang naaresto dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga. Ang bilang na ito ay mula naman sa November 22-28 ngayong taon.
Sa bilang na nahuli ay umabot sa P 354, 268 na halaga ng iligal na droga ang nakumpiska sa loob lamang ng isang linggo drug operations ng iba’t ibang police stations dito.
Sinabi ni PCapt. Karol Baloco, Deputy Public Information Officer, nakikita umano nilang malaking nagagawa ang mga nakatalagang border checkpoints dahil sa nagkakaroon ng alinlangan at pangamba ang isang indibidwal na mag transport ng iligal na droga o anumang transaksyon.
Malaki umano ang nagagawa ng pakikipag tulungan ng komunidad sa kampanya na ito dahil sila ay nagiging responsive at cooperative ukol naman dito.
Sa huli, hinikayat ng pulisya ang komunidad na huwag umanong magsawa na tulungan ang kapulisan upang sa gayon ay mawakasan at matapos na ang kampanya kontra iligal na droga. | ifmnews

Facebook Comments