Kondisyon ng mga kadete ng PNPA na nagpositibo sa COVID-19, patuloy na mino-monitor

Tiniyak ng bagong pamunuan ng Philippine National Police Academy (PNPA) na lahat ay ginagawa na nila para masiguro ang kalusugan ng mga kadete na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay bagong PNPA Director Police Major General Gilbert Cruz, may limang isolation facilities na itinayo sa PNPA para sa mga nagpositibong kadete na ngayon ay binabantayan ng tauhan ng PNP Health Service.

Sa ngayon, mayroon ring 1,406 na kadete at PNPA personnel ang isinailalim na rin sa Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) Test para matiyak na ma-a-isolate ang lahat nang magpopositibo sa virus.


Sa ngayon ay may 232 na kadete at 11 Personnel ng PNPA ang nagpositibo sa COVID-19.

Sila ay kasalukuyang naka-isolate sa quarantine facility na kumpleto ng pagkain at gamot.

Bilang karagdagang protection ay lahat ng kadete at tauhan ng PNPA ay binigyan ng facemask, face shield, at disinfenctant.

Siniguro ni Cruz sa pamilya ng mga kadete sa PNPA na mahigpit nilang binabantayan ang kalusugan ng mga ito lalo na ngayong may pandemya.

Facebook Comments