Kondisyon ni dating Pangulong Joseph Estrada, bahagya nang bumuti

54

Bahagya nang bumuti ang kondisyon ni dating President Joseph “Erap” Estrada.

Ayon kay dating Senador Jinggoy Estrada, stable na ang kondisyon ng kanyang ama matapos na ilagay sa mechanical ventilation kahapon dahil sa paglala ng kanyang pneumonia.


Samantala, kinumpirma ng nakababatang Estrada na nagpositibo rin sa COVID-19 ang mga nakatatandang kapatid na babae ng kanyang ama.

Maging ang misis ni Jinggoy na si Precy ay tinamaan din ng virus pero sila ay asymptomatic.

Hinala ni Jinggoy, nakuha nila ang sakit kasunod ng family dinner na dinaluhan din ng kanyang ama.

Nagpa-swab test na ang dating senador at negatibo ang resulta.



Binanggit din ni Jinggoy na hindi sila pinayagan ng kanilang doktor na gumamit ng anti-parasitic drug na Ivermectin para kay dating Pangulong Erap.


Facebook Comments