Koneksyon ni Maasim, Saranggani Mayor Aniceto Lopez Jr. sa mga sindikato ng droga, isiniwalat

Manila, Philippines – Ibinunyag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang koneksyon ni Maasim, Saranggani Mayor Aniceto Lopez Jr. sa iba pang mga malalaking sindikato ng droga sa bansa.
Ayon kay PDEA Director Gen. Aaron Aquino, sa nabawing green book mula sa alkalde, makikita ang mga transaksyon ni lopez sa ilang drug lords.
Nagkaroon din ng transaksyon si Lopez sa nasawing si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr at dating Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr.
Bagama’t wala sa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lopez, hindi ito nangangahulugang ligtas na ang alkalde sa asunto.
Dagdag pa ng PDEA Chief marami pang mga narco politicians ang naka-transaksyon ni Lopez batay sa green book pero hindi na niya ito idinetalye.

Facebook Comments