Kongresista, hinikayat ang mga mambabatas na sumunod sa pahayag ni P-Duterte kaugnay sa impeachment complaint kay Robredo

Manila, Philippines – Hinimok ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe ang mga kasamahang kongresista na makinig sa sinasabi ng Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa hindi pagtutuloy ng pagsasampa ng impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo.
 
Giit ni Batocabe, mag-ceasefire na sa impeachment dahil katatapos lamang ng eleksyon at wala pang isang taon na namumuno sa bansa ang mga lider.
 
Kung pababayaan ang ganitong sistema ay tiyak na magiging resulta nito ang pagkakahati-hati ng bansa.
 
Tiyak din na hindi tatahimik ang mga dilawan at mga Bicolano na supporters ng pangalawang  Pangulo.
 
Dagdag pa ni Batocabe, wala pang posisyon ang party list coalition sa Kamara kaugnay sa impeachment complaints sa mga lider ng bansa.
 

Facebook Comments