Ipinarerekonsidera ni Committee on National Defense and Security Vice Chairman Ruffy Biazon sa Department of National Defense (DND) ang desisyon nitong buwagin ang UP-DND Accord gayundin ang mungkahing lusawin na rin ang kasunduan sa PUP.
Sa ilalim ng unilateral abrogation sa kasunduan ay nangangahulugan ito ng malayang pagpasok ng state forces sa mga campus grounds ng mga unibersidad.
Hinihikayat ni Biazon ang DND na magsagawa muna ng dayalogo sa pagitan ng mga lider ng mga unibersidad at sa mga mag-aaral para magtulungan laban sa recruitment sa mga kabataan ng mga rebeldeng grupo.
Kahit wala aniya ang military at police presence sa UP campuses, ang terminasyon ng kasunduan ay magbibigay ng pakiramdam sa mga estudyante na nakokontrol ang kanilang academic freedom.
Babala ng kongresista, sa halip na makapagbigay ng proteksyon at seguridad ang institusyon sa mga magaaral ay baka maging basehan pa ito na maging kalaban ng mga kabataan ang AFP at PNP.
Samantala, nauna namang inirekomenda ni Duterte Partylist Rep. Ducielle Marie Cardema na pati ang PUP-DND Accord ay alisin na rin sa katwirang naaabuso ng mga unibersidad ang aniya’y “special treatment” sa mga ito.