Manila, Philippines – Nagbabala ang ilang taga oposisyon na sa susunod na survey ay posibleng bumaba pa ang ratings ng pangulo lalo na sa mga masang Pilipino.
Ito ay bunsod na rin ng SWS survey mula September 23-27 na kung saan bumaba sa +48 ang net satisfaction ratings ni Presidente Duterte mula sa +66 noong Hunyo.
Naniniwala si Magdalo PL Rep. Gary Alejano na posibleng indikasyon ng pagbaba ng suporta ng taumbayan sa war on drugs ang pagbagsak ng ratings ng Pangulo.
Dahil dito,maaaring sa susunod ay bumaba na ng husto ang raings ng Pangulo mula sa Class D o ang masang Pilipino dahil ang mga mahihirap ang karaniwang nagiging biktima ng kampanya kontra iligal na droga.
Samantala, pinakamalaki naman na pagbagsak ng ratings ng Pangulo ay sa Iloilo na 30 puntos ang ibinaba na maaaring dahilan ng pagkakatalaga noon ni C/Insp. Jovie Espenido sa Iloilo City para tugisin si Iloilo City Mayopr Jed Patrick Mabilog na nasasangkot sa illegal drugs.
Dahil sa pagbaba ng ratings ni Duterte, hinimok ni Alejano ang Pangulo na i-review ang mga polisiya nito lalo na kung apektado ang kapakanan at interes ng publiko.