Manila, Philippines – Hinimok ni Kabayan Rep. Harry Roque ang mga kasamahang kongresista na baigtarin ang pagbasura o dismissal sa impeachment complaint ka Comelec Chairman Andres Bautista.
Ito ay kahit pa magbibitiw na sa katapusan ng taon si Bautista kasunod ng inihaing resignation letter.
Ayon kay Roque, bagamat hindi sila parte ng mayorya ay naniniwala pa rin siyang maaaring maghimala mamaya para mabago ang naunang desisyon ng Committee on Justice.
Duda si Roque na magbibitiw talaga si Bautista dahil sa mga pabago-bago nitong desisyon at pwede pa nitong bawiin ang resignation dahil December pa epektibo ang pagbibitiw.
Paliwanag ng kongresista, dapat tuluyang i-impeach si Baustista at hindi hayaang manatili sa pwesto hanggang sa pagtatapos ng 2017 dahil marami pa rin itong mapipirmahang mga kontrata para sa 2019 elections at maraming pa ring mauupuang mga kaso sa COMELEC.