Kongresista, pinatitigil ang sisihan sa pagpalya ng airstrike ng militar sa Marawi

Marawi City, Philippines – Pinatitigil ni House Committee on Defense and Security Vice Chairman Ruffy Biazon ang batuhan ng sisi matapos na mabiktima ng sariling airstrike ang nasa 11 sundalo na nakikipagbakbakan sa Marawi.

Giit ni Biazon, dapat na tutukan lamang muna ng mga militar kung ano ang adjustment na dapat gawin sa kanilang taktika upang hindi na maulit ang pagkakamali sa airstrike na ginawa sa operasyon ng militar laban sa Maute group.

Matapos nito, ay saka na lamang tukuyin kung sino ang may sala kaya sumblay ang airstrike at ang pagpapataw ng parusa dito kung kinakailangan.


Ayon kay Biazon, kumplikado ang airstrike kaya kung mapapansin sa ibang bansa ay panay-panay ang training sa kanilang mga airforce personnel.

Ikinalungkot naman ni Biazon ang insidente pero aminado siyang hindi maiiwasan ang ganitong friendly fire lalo pa’t urban close quarter combat na ang nagaganap sa Marawi.
DZXL558

Facebook Comments