Cauayan City, Isabela- Dalawang linggo na ang nakakaraan ng simulan ang konstruksiyon ng COVID-19 testing laboratory sa Lungsod ng Ilagan.
Ayon kay City Information Officer Paul Bacungan, nagkaroon na ng pagpupulong sa pagitan ng LGU at Department of Health (DOH) Central Office para sa napipintong pagbubukas ng testing laboratory sa siyudad.
Aniya, nakahanay ang nasabing laboratoryo sa San Antonio Hospital.
Una nang iminungkahi ni Mayor Jay Diaz sa Kagawaran ng Kalusugan ang pagkakaroon ng nasabing pasilidad na layong mas mapabilis ang paglabas ng mga resulta ng swab test na ngayon ay hihintayin pa ang resulta mula sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) testing laboratory.
Samantala, nasa 70% porsyento na ang bagong tayong ospital ng lungsod habang sinimulan na rin ang paghikayat para sa mga dagdag na tauhan ng pagamutan.