Pinangunahan ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde ang groundbreaking ceremony ng konstruksyon ng NCRPO Medical Center Complex and Administrative Processing Center sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.
Ang P500-Million, 4 storey Medical Center project ay mayroon state of the art na medical equipment.
Sinabi ni Albayalde, hindi na kailangan pang pumunta ng Camp Crame para lamang kunin ang resulta ng nuero psychiatrict exams, dahil mayroon na silang sariling medical center sa NCRPO
Inaasahan na 27 libong tauhan ng NCRPO at kanilang pamilya na mangangailangan ng serbisyong medikal ang makikinabang sa itatayong Medical Center.
Target matapos ang proyekto sa July 19, 2021.
Ang proyekto ay pinondohan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR at iba pang private partners.
Bukod sa itatayong NCRPO medical center, tinatrabaho na rin ng PAGCOR ang walong (8) mobile hospital na nagkakahalaga nman ng P421 million pesos.