Konstruksyon ng China ng dalawang tulay sa Ilog Pasig, sisimulan bago matapos ang buwang kasalukuyan

Manila, Philippines – Tiniyak ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na sa katapusan ng buwang ito ay sisimulan na ang pagtatayo ng China ng dalawang tulay sa Pasig River .

Ang mga tulay na popondohan ng Tsina ay ang Binondo-Intramuros bridge sa Maynila at Estrella-Pantelon bridge na kokonekta sa Makati at Mandaluyong .

Base sa initial project design, ang 807-meter Binondo-Intramuros Bridge ay four-lane, steel-bowstring arch bridge na dudugtong sa Solana St. at Riverside Drive sa Intramuros at San Fernando St. sa Binondo


Ang 560-meter Estrella-Pantelon Bridge naman ay four-lane twin spine steel box girder bridge na may kongkretong deck slab.

Ang naturang mga tulay ay nagkakahalaga ng 75-million US dollars.

Facebook Comments