KONSTRUKSYON NG DRAINAGE SYSTEM AT FLOODGATE SA LINGAYEN CAPITOL COMPLEX, NAGSIMULA NA

Puspusan na ang isinasagawang konstruksyon ng flood control projects ng Pamahalaang Panlalawigan sa Capitol Complex upang matugunan ang problemang pagbaha na maaaring maidulot ng tag-ulan.
Ayon sa Provincial Engineering Office, kasalukuyan nang ginagawa ang drainage canal sa magkabilang panig ng Capitol Complex upang maging maayos ang agos ng naiipong tubig.
Bukod pa rito, maglalagak ng kaukulang floodgate at palalawakin din umano ang dalawang kilometrong drainage canal ng San Vicente River sa Maramba Blvd. at na magsisilbing catch basin ng tubig mula sa lugar.
Ang mga naturang proyekto ay bahagi ng Capitol Complex Redevelopment Project at inaasahang maisasakatuparan sa Setyembre 2026. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments