Umaasa ang ilang motorista na maiibsan ang mabigat na daloy ng trapiko at mapapabilis ang biyahe sa patuloy na konstruksyon ng Lingayen-Binmaley Bypass Road.
Ang anim na kilometrong kalsada ay inaasahang makapagpabawas mula sa 22 minuto hanggang pitong minutong oras ng byahe sa pagitan ng Baay, Lingayen at Biec, Binmaley.
Ani ng ilang motorista, nakikita umano nila ang unti-unting pagbuo sa naturang proyekto at positibo sa kabutihang idudulot nito pati sa turismo.
Ang isinasagawang proyekto ay karugtong din ang isinasagawang bypass road sa bahagi ng Dagupan City.
Ayon sa DPWH, inaasahan na makikinabang ang nasa 18,492 na mga motorista araw-araw sa oras na matapos ang naturang proyekto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments






