Konstruksyon sa Rural Health Unit 3 ng Cauayan, Hindi pa rin natatapos

*Cauayan City, Isabela*- Nakatakdang magpatawag ng pulong ang Sangguniang Panlungsod ng Cauayan sa darating na biyernes (November 15, 2019) upang talakayin ang hindi matapos tapos na konstruksyon ng Rural Health 3 sa Brgy. Nungnungan II.

Ayon kay City Councilor Paul Vincent Mauricio, nababagalan umano ang legislative body sa konstruksyon ng Rural Health Unit 3 at kanila din umanong ipapatawag ang kontraktor ng nasabing proyekto maging ang City Engineering Office, City Planning Office at tanggapan ng City Administration upang linawin kung bakit hindi matapos ang mga proyekto.

Nilinaw naman ng legislative body na matagal na umanong may nakalaang pondo para dito kaya’t walang dahilan upang matapos ang kontruksyon.


Kaugnay nito, palaisipan pa rin sa publiko kung matatapos din ang kontruksyon ng Cauayan City Sports Complex dahil ang lungsod ang siyang punong abala sa darating na Cagayan Valley Regional Athletics Association o CAVRAA 2020 at inaasahan na mahigit sa pitong libong atleta ang makikinabang sa nasabing complex.

Photo Courtesy: ceipo.cityofcauayan.gov.ph

Facebook Comments