KONTENTO | Mabilis na pagtugon ng Duterte Administration sa mga kalamidad, nakatanggap ng mataas na approval ratings

Manila, Philippines – Kontento ang mga Pilipino sa disaster at calamity response efforts ng Duterte Administration.

Base sa March 2018 Survey ng Pulse Asia, 86% ng mga Pilipino ang gusto ang trabaho ng gobyerno lalo na sa pagtugon sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad.

Kasunod nito ang pagbibigay ng proteksyon sa mga OFW (84%) at paglaban sa kriminalidad (81%).


Nakatanggap din ng mataas na approval scores sa pagsusulong ng kapayapaan (71%), pagpapatupad ng rule of law (71%), pagpapahalaga sa kalikasan (71%), paglaban sa korapsyon (70%), dagdag na sahod sa mga manggagawa (68%), paggagawa ng mga bagong trabaho (67%), pagdepensa sa teritoryo (67%) at pagresolba sa kahirapan (53%).

Ang ulat bayan survey ay isinagawa mula March 23 hanggang 28 sa 1,200 respondents.

Facebook Comments