Manila, Philippines – Hindi dapat magpaka-kampante si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mataas na trust rating.
Sabi kasi ni partido manggagawa chairman Rene Magtubo, tiyak na bigla itong babagsak sa susunod na mga Linggo dahil sa kabiguan ng Duterte Administration na tuldukan ang contractualization sa bansa.
Ayon pa kay Magtubo, hindi biro ang 10 point dive sa trust ratings ng Pangulo base sa pinakahuling Social Weather Station (SWS) survey.
Indikasyon aniya ito na marami na ang nagagalit dahil sa kabiguan ng Pangulo na tapusin ang endo.
Samantala, nagbanta rin ang grupo na maglulunsad sila ng mga kilos-protesta hanggang sa pagsapit ng Labor Day sa Mayo 1 para ipakita ang kanilang disgusto sa desisyon ng Pangulo na pabor lamang umano sa mga negosyante.