PAGHAHANDA | NFA, pinag-iisipan nang baguhin ang reference price ng aangkating bigas

Manila, Philippines – Naghahanda na ang National Food Authority (NFA) para sa pag-iimport ng 250,000 metric tons ng bigas matapos nitong ideklarang failed ang bidding kahapon.

Sabi ni NFA Deputy Administrator for Marketing Operations Judy Carol Dansal, pag-uusapan nila kung babaguhin ba ang reference price para sa 15% broken rice gayundin ang 25% broken rice kasunod ng mataas na bids mula Vietnam at Thailand.

Kinumpirma rin ni Dansal na magpapadala sila ulit ng imbitasyon sa Vietnam at Thailand para sumali sa panibagong bidding.


Isasagawa ang bagong tender bago mag Mayo 4.

Facebook Comments