Kontrata ng gobyerno sa Chevron at Ayala Land, bubusisiin!

Binubusisi na rin ng gobyerno ang kontrata nito sa mga kumpanyang Chevron at Ayala Land.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na itatama niya ang lahat ng kontrata ng gobyerno na makikitaan ng probisyong dehado ang taumbayan o ang pamahalaan.

Ayon sa Department of Finance – na isasara ng gobyerno ang Batangas Land Company Incorporated (BLCI) – isang Government Owned and Controlled Corporation (GOCC).


Ang BLCI ay ang kakontrata ng Chevron Philippines – ang kumpanyang may hawak sa Caltex.

Sinabi ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino – ang Chevron ay nag-upa ng lupa sa Batangas na ginagamit bilang import terminal ng oil company.

Lumalabas na 74-centavos kada square meter ang binabayad ng Chevron sa upa, malayo sa ₱17.90 kada square meter base sa fare market rental.

Maliban dito, ipinasisilip na rin ng pamahalaan ang kontrata ng Ayala Land sa University of the Philippines.

Lumalabas na 20 pesos per square meter ang ibinayad ng Ayala Land para sa 40-ektaryang lupa ng UP sa Quezon City.

Pero paglilinaw ng Ayala Land, 171 pesos kada square meter ang ibinabayad nito sa UP at kapag natapos ang lease agreement sa 2033 ay mapupunta na sa UP ang lahat ng kinikita ng mga gusaling ipinatayo ng kumpanya.

Una nang nasampulan ang Maynilad at Manila Water na pinagawan ng panibagong kontrata.

Facebook Comments